Ayon kay Bong Suntay ng Philippine National Taxi Operators Association, balewala ang taxi ban sa NAIA dahil sa ibang bansa ay pinapayagan ang mga regular na taxi na kumuha ng mga pasahero sa kanilang mga paliparan.
Pahiwatig nito, walang saysay ang “white taxi” ban sa airport maliban na lang anya kung may gustong protektahan na ibang sektor ng transportasyon.
Pahayag ito ng grupo matapos iutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ban sa regular taxi sa NAIA dahil sa pangingikil ng isang driver sa dalawang dayuhang vloggers.
Pero sinabi ng paliparan na pwede namang magbook ng Grab ang pasahero, sumakay sa coupon taxi na may fixed rate, airport bus service na diretso sa mga mall at hotel at ang yellow-metered taxi na P70 ang flagdown rate.