Mga hukbong pandagat ng Pilipinas, US, Japan at India nagsagawa ng maritime exercises

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naglayag na magkakasama ang mga Hukbong Pandagat ng Pilipinas, Estados Unidos, India at Japan sa South China Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Navy na anim na barko mula sa apat na bansa ang nakilahok sa week-long maritime training exercises.

Tumungo ang mga barkong ito sa Changi, Singapore para sa pagtatapos ng ikalawang bahagi ng ASEAN-Plus Defense Ministers’ Meeting Maritime Security Field Training Exercise  2019.

Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, ang sabay-sabay na paglalayag ay nagpapakita lamang ng aktibong partisipasyon ng Philippine Navy kasabay ng pagpapatibay sa ugnayan nito sa mga kaalyadong bansa sa Asia-Pacific Region.

Ang barko ng PN na lumahok ay ang BRP Andres Bonifacio kasama ang JS Izumo at JS Murasame ng Japan Maritime Self-Defense, INS Kolkata at Shakti ng India at USS William P. Lawrence ng US Pacific Fleet.

Iginiit ng Pilippine Navy na may freedom of navigation sa South China Sea.

Read more...