Comelec: Honoraria ng mga guro na P250k ang sahod kada taon at pababa, tax-free

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na exempted sa tax ang honoraria ng public school teachers na magsisilbi bilang boards of election inspectors sa halalan sa Lunes.

Sakop ng tax-free na honoraria ang mga kumikita lamang ng P250,000 kada taon at pababa.

Sa isang pahayag sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na dapat lamang mag-file ng sworn declaration ang mga guro na kumikita sila ng P250,000 pababa.

Ang gastos para sa documentary stamp at reproduction ng affidavit ay sagot na umano ng Comelec.

Tiniyak naman ni Jimenez ang commitment ng poll body na bayaran ang serbisyo ng mga magtatrabaho para sa halalan sa Lunes.

Read more...