DFA: Walang passport processing sa Lunes, May 13

File photo

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado ang lahat ng kanilang consular offices sa buong bansa sa Lunes, May 13, araw ng halalan.

Ayon sa kagawaran, alinsunod ito sa deklarasyon ng Palasyo ng MalacaƱang na special non-working holiday ang May 13 para sa midterm elections.

Dahil dito, ang mga passport applicants na may confirmed appointments sa May 13 ay ia-accommodate sa kanilang original sites mula May 14 hanggang 31 maliban sa araw ng Sabado.

Kailangang dalhin ng mga aplikante ang kanilang confirmed passport appointments kabilang ang kinakailangang requirements.

Read more...