Dominant minority party naman ang Nacionalista Party.
Sa isang resolusyon, sinabi ng Comelec na ang watchers ng dominant majority at minority parties ay dapat bigyan ng opsyon sakaling limitado ang espasyo sa canvassing.
Samantala accredited major political parties naman ang Liberal Party, Nationalist People’s Coalition, United Nationalist Alliance, Lakas-CMD, Workers and Peasants Party, Laban ng Demokratikong Pilipino, National Unity Party at Aksyong Demokratiko.
Ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at 10 local political parties ay idineklara namang sole major local parties sa mga rehiyon nito.
Ilan sa mga ikinonsidera sa klasipikasyon ng mga partido ay ang kakayahan ng isang partido na magtalaga ng mga kandidato mula sa municipal level hanggang sa pagkasenador.
Kasama rin sa criteria ay ang bilang ng incumbent elected officials mula sa isang partido.