Ipis na dumapo sa balikat ni Duterte, galing sa Liberal

Hindi pinaligtas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbanat sa partidong Liberal sa pagdapo ng ipis sa kanyang balikat sa campaign rally sa Bohol, Miyerkules ng gabi.

Bahagyang naantala ang talumpati ng pangulo nang biglang lumapit sa kaniya ang aide at Presidential Security Group member na si Senior Inspector Sofia Loren Deliu para alisin ang ipis sa balikat ng pangulo.

Matapos ang matanggal ang ipis, sinabi ng pangulo na tiyak na galing sa Liberal ang insekto.

Klaro aniyang Liberal ang ipis dahil nanggaling sa likod.

“Liberal na! Sigurado na oh, klaro sa likod,” pahayag ni Duterte.

Hindi naman natakot o natinag ang pangulo nang dumapo ang ipis sa kaniyang balikat.

Read more...