Duterte, nagbabala sa mga kandidato na huwag sikilin ang karapatan ng mga botante na makaboto

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato sa buong bansa na bigyan ng kalayaan ang mga botante na makaboto nang maayos sa darating na halalan sa Lunes.

Ayon sa pangulo, kapag nagkataon at sinakal ng mga pulitiko ang karapatan ng mga botante na makaboto, siya na mismo ang makababangga.

Iginiit pa ng pangulo na dapat na hayaan lamang ng mga pulitiko ang mga botante na malayang makapili ng kanilang mga kandidato.

Dapat aniyang sundin ang batas sa halalan upang maiwasan ang anumang problema.

Nangako umano si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaan ang maduming elekisyon sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Read more...