Ito ay dahil sa pagbili ni Roxas ng mga malalaking unit ng tren mula China at India na hindi naman nagamit dahil hindi sakto sa mga linya ng riles sa bansa.
Nakapagtataka, ayon sa pangulo, na hanggang ngayon ay hindi pa nakakasuhan si Roxas.
Wala namang balak ang pangulo na kasuhan si Roxas sa pangambang maakusahan na tinatarget niya ang nakatunggaling Presidential candidate noong 2016 Presidential elections.
Dagdag ng pangulo, oportunista, mahina ang prinsipyo, hambugero at senyorito si Roxas.
Panay pangkukuwarta lamang aniya ang ginawa ni Roxas nang maging kalihim sa Department of Transportation and Communications.
Wala rin aniyang katapatan si Roxas dahil nagpalipat-lipat ng partido at pangulo para lamang manatili sa gobyerno at humawak ng iba’t ibang puwesto.