Pagpatay sa hukom sa Zamboanga del Norte, kinondena ng SC

Kinondena ng Supreme Court ang pagpatay kay Judge Reymar L. Lacaya ng Sindangan, Zamboanga del Norte Regional Trial Court, Branch 11.

Si Lacaya ay binaril sa Liloy, Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng hapon.

Kaugnay nito, hinimok ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pulisya na bilisan ang kanilang imbestigasyon para sa agarang ikakaaresto ng mga responsable sa pagkamatay ng hukom.

Si Judge Lacaya ang ika-30 hukom na pinaslang habang nasa sa serbisyo sa hudikatura mula 1999.

Sinabi ni Bersamin na bumuo na ang SC ng mga hakbang para tugunan ang isyu ng seguridad at work-related killings ng mga hukom.

Noong 2005 anya ay inaprubahan ng SC Guidelines for Detail of Court Personnel as Security of Judges na sakop ang lahat ng korte.

Sa ilalim ng panuntunan, ang hukom na nakatanggap ng direktang banta sa buhay ay maaring mag apply sa PNP o sa Security Committee ng SC para sa proteksyon.

Lumagda na rin ang Office of the Court Administrator ng Memorandum of Agreement sa PNP noong 2005 kung saan pinagkakalooban ng permits ang mga judges na magbitbit ng baril kahit sa labas ng kanilang station.

Read more...