Ilang Pinoy sa Libya, hindi pa rin umuuwi ng Pilipinas

Hindi pa rin sumusunod ang ilang Filipino sa Libya sa kabila ng ipinatupad na mandatory evacuation.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa lugar.

Ayon kay Chargè d’Affaires Elmer Cato ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, pinili pa rin ng mga overseas Filipino worker na manatili sa kabila ng panganib sa lugar.

Giit niya ng mga Pinoy ang maayos na kinikita sa North African country.

Karamihan sa mga nananatiling Pinoy ay mga nurse na nagtatrabaho sa mga ospital.

Ngunit, sinabi ni Cato na patuloy pa rin ang panghihikayat sa mga Pinoy na umuwi ng Pilipinas para sa kanilang kaligtasan.

Read more...