Gretchen Ho, pinayuhan ng kapatid na huwag magsuot ng dilaw na damit sa isang morning show

Pinayuhan ang host na si Gretchen Ho ng kaniyang kapatid na abogado na iwasang magsuot ng dilaw na damit sa morning show na “Umagang Kay Ganda.”

Ito ay matapos masangkot si Gretchen sa inilabas na pinakahuling ouster plot matrix ng Palasyo ng Malakanyang.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Gretchen ang ipinadalang mensahe ng kaniyang kapatid.

Sinabi ng kapatid nito na napagkakamalan tuloy na sangkot si Gretchen sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsusuot nito ng dilaw na damit.

Matatandaang inihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kabilang din sa matrix ang Liberal Party, Magdalo at iba pang media outfits.

Read more...