2 lalake, timbog sa pagdadala ng highly explosive substance sa Sorsogon

Arestado ang dalawang lalake dahil sa pagdala ng 10 sako at 14 na mga container na naglalaman ng mga highly explosive substance sa Matnog port sa Sorsogon, Huwebes ng umaga.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Byrne Gajisan, 40 taong gulang at si Joemar Quimno, 24 taong gulang.

Ayon sa mga pulis, naaresto ang mga suspek bandang 6:30 ng umaga dahil sa pagtatangka na ibyahe sa karagatan ang mga sangkap sa paggawa ng pampasabog na walang dokumento mula sa Firearm and Explosive Division (FED) at sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Ang mga suspek at ang mga nasamsam na mga kemikal ay dinala sa Matnog Municipal Police Station.

Read more...