Metro Manila at ilang lalawigan, uulanin ngayong hapon (May 9)

Makakaranas ng malakas na pag-ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa susunod na dalawang oras ang Metro Manila, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Rizal.

Ayon sa inilabas na advisory ng PAGASA bandang 12:25 ng tanghali, mararanasan din ang malakas na pag-ulan sa mga bayan ng San Jose sa Tarlac, Porac at Floridablanca sa Pampanga, Amadeo, Indang at General Trias sa Cavite, Calamba at Los Baños sa Laguna, San Juan sa Batangas at Mauban sa Quezon Province.

Samantala, sa isa pang inilabas na update dakong 12:40 ng hapon, mararanasan din ang pag-ulan sa Catarman, Northern Samar at Partido sa Camarines Sur.

Nakaranas naman ng torrential rains ang Metro Manila sa mga nagdaang araw dahil sa namataang low pressure area o LPA sa hilaga ng Laoag City sa Ilocos Norte noong Lunes.

Kahapon, araw ng Miyerkules, sinabi ng PAGASA na may minomonitor silang tatlong LPA malapit sa Philippine area of responsibility.

Read more...