Dump truck sinunog ng mga armadong lalaki sa Cebu City

Tinupok ng apoy ang isang mini dump truck sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bonbon sa Cebu City.

Ang truck ay pag-aari ng Barangay Bonbon na pinamumunuan ni Kapitan Eduardo Cabriana.

Sa panayam ng Cebu Daily News, sinabi ni Cabriana na maaring politically motivated ang insidente at layun nitong takutin siya at kaniyang pamilya.

Si Cabriana ay tagasuporta ng administration party na Bando Osmeña-Pundok Kauswagan (BO-PK).

Isa sa mga anak ni Cabriana ang nakakita pa sa mga armadong lalaki na pumalibot sa dump truck, binuhusan ito ng gasolina at saka sinilaban.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

Read more...