Pangulong Duterte mas nanaising mamatay kaysa maging inutil

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Sutere na manatili pa sa mundo kung magiging inutil lamang at wala nang silbi.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally sa Bohol, sinabi nito na hindi siya takot na mamatay.

Katunayan, sinabi ng pangulo na hindi siya natatakot na sumakay ng helicopter ng gabi kahit na nagtutungo pa sa kabundukan sa bahagi ng Jolo.

“Di naman mahadlok mosakay’g helicopter gabii adto’g mga bukid, adto’g Jolo, ana (I’m no longer scared of riding a helicopter at night, go to the mountains, go to Jolo, and others.) I’m almost, not really a death wish, pero ako — giingan ta mo (but I’m telling you) the day I cease to be productive I’d rather go,” ayon sa pangulo.

Dagdag ng pangulo, kung nanainisin na ng Panginoon na kunin siya sa mundo sa katapusan ng kanyang termino sa 2022, maluwag niya itong tatanggapin.

Aniya naranasan na niya ang makabuluhang buhay at wala siyang ibang hangad kundi ang maayos na pagsilbihan at isulong ang kapakanan ng bawat Filipino.

Read more...