Ang kaso ay isinulong ng piskalya sa korte laban kay Trillanes noong March 2018 makaraang manawagan umano sa mga sundalo na mag-aklas laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panig ni Trillanes, sinabi nitong ang paghikayat sa publiko na lumagda sa petisyon para ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ng isang public official ay hindi maaring maikunsiderang krimen o inciting to sedition.
Pero sa resolusyon ni Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 45 Judge Remiebel Mondia, sinabi nito na pawang alegasyon lang ang argumentong ibinigay ni Trillanes sa korte at mangangailangan ng full-blown trial para makapagprisinta ng ebidensya ang magkabilang panig.