17 sugatan sa pagsadsad ng eroplano sa paliparan sa Myanmar

Sugatan ang labingpitong katao makaraang sumadsad sa runway ng paliparan Myanmar ang isang eroplano.

Sumadsad sa paliparan ang Bombardier Dash 8 aircraft na may lulang 29 na pasahero at 4 na crew.

Malakas ang hangin sa lugar nang maganap ang insidente sa Yangon International Airport.

Ang naturang eroplano ay bumibiyahe 4 na beses kada linggo sa Yangon at sa Dhaka.

Pawang minor injuries lamang naman ang natamo ng 17 sugatan at dinala sila sa ospital.

Read more...