Dalawa arestado sa anti-criminality campaign sa Maynila

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Malate, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Domingo Jacinto Jr., 40 anyos at nasa watchlist ng Manila Police District station-9 at Abraham Cegales, 32 anyos, kapwa residente ng Malate.

Naaresto ang mga suspek sa ikinasang anti-criminality campaign ang Station Drug Enforcement Team kung saan nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakulong na sa Malate Police Station (PS-9) ang dalawa at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Read more...