Kinoronahan bilang 2019 Miss Teen Philippines ang estudyante mula Cagayan De Oro na si Nikki de Moura.
Tinalo ni De Moura ang 30 iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa coronation night na ginanap kagabi (May 8) sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Itinanghal naman na first runner-up si Patricia Beerda mula Western Visayas, second runner-up si Nicole Borromeo mula sa Cebu, third runner-up si Mikki Barcela mula Albay, at fourth runner-up si Joanna Kalkschmidt mula Iloilo.
Limang taon na ang nakararaan nang huling magdaos ng Miss Philippines pageant kung saan kinoronahan noon ang kinse anyso na si Nicole Villar.
Nakuha ng Youth Empowerment Through Education (YETE) Foundation ang pageant rights mula sa orihinal na founders nito at ngayong 2019 o makalipas ang limang taon ay muling idinaos ang kompetisyon.
Mapapanood ang delayed telecast ng 2019 Miss Teen Philippines coronation sa ABS-CBN sa Linggo, May 19.