Maraming kalsada ang hindi nadaanan dahil agad binaha bunsod ng pag-ulan.
Sa Espanya sa Maynila, mula sa bahagi ng Quiapo hindi na halos gumalaw ang mga sasakyan dahil hindi makaabante ang mga nasa Espanya bunsod ng tubig-baha.
Isinara naman ang bahagi ng Araneta Avenue mula sa E. Rodriguez patungong Quezon Avenue dahil hindi na ito naging passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ang flyover sa EDSA – Ayala pansamantalang isinara sa mga motorista dahil din sa pagbaha.
Isang video pa ng isang lalaki ang kumalat sa social media na makikitang mano-manong sinasalok ang tubig-baha sa Ayala flyover at itinatapon sa baba, para mabawasan ang baha.
Ibinahagi din ni MMDA Spokesperson Celine Pialago ang video ng aniya ay hindi pangkarinawan na pagbaha sa flyover.
Marami ring iba pang kalsada ang binaha sa Makati, Maynila, Quezon City at iba pang lugar sa Metro Manila.