PUBLIC SERVICE: Ilang bahagi ng Quezon at Taytay mawawalan ng suplay ng kuryente

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Quezon at Taytay Rizal.

Sa abiso ng Meralco, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Bukal Sur, Bukal Norte at Masin Sur sa Candelaria, Quezon.

Magpapalit ng poste ang Meralco sa kahabaan ng PNR track sa nasabing lugar.

Samantala, sa Taytay Rizal naman, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay San Juan.

Mayroon namang line reconductoring works ang Meralco sa national road na sakop ng naturang barangay.

Read more...