Bahagi ng escalator sa mall sa Ortigas bumagsak

Credit: Michelle Abendano Baltar

Bumagsak ang bahagi ng isang escalator sa loob ng The Podium Mall sa Ortigas, Mandaluyong City matapos ang napakalakas na pag-ulan.

Sa mga larawan na ibinahagi sa social media makikita ang mga bumagsak na bahagi ng escalator sa isang booth.

Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng The Podium at sinabing napinsala ng malakas na ulan ang kisame ng kanilang mall.

Tiniyak naman ng mall na walang nasaktan sa aksidente at agad na binarikadahan ang apektadong lugar.

Agad umanong magsasagawa ng repair at maintenance works sakalin gumanda na ang panahon.

“The strong rains caused damages to an isolated portion of the ceiling in The Podium. To ensure the safety of our customers, the area has been temporarily cordoned off. No one was hurt in the incident. Repair and maintenance works will commence once the weather improves,” pahayag ng mall.

Kahapon, bumuhos ang napakalakas na ulan sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na nagdulot ng pagbaha at na-stranded ang maraming commuter.

 

Read more...