Duterte naghost ng dinner para sa celebrities sa Malacañang

Palace photo

Isang dinner ang inihanda nina Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang common-law partner na si Honeylet Avanceña sa Malacañang para sa ilang celebrities noong araw ng Martes (May 7).

Kahapon (May 8), inilabas ng Palasyo ang mga larawan ng pagtitipon.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ang dinner ay bilang pasasalamat sa mga artistang supporter ng Pangulo.

Credit: Sec. Martin Andanar

Ilan sa mga dumalo ay sina John Lloyd Cruz, mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Samantala, present din sa pagtitipon ang dating athlete at TV host na si Gretchen Ho.

Si Ho ay kabilang sa pinakabagong matrix ng Palasyo ng mga indibidwal at grupo na may planong patalsikin si Pangulong Duterte sa pwesto.

Palace photo

Ang matrix ay inilabas araw ng Miyerkules, isang araw matapos ang dinner na dinaluhan ni Ho.

Read more...