Kit Thompson nilinaw ang ugnayan kay Pia Wurtzbach

Kit Thompson IG

Nilinaw ni “Sino Ang May Sala” actor Kit Thompson ang nababalitang ugnayan nila ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ayon kay Thompson, close friend niya si Wurtzbach pero wala silang romantic involvement.

Ayon sa dating “Pinoy Big Brother” housemate, naging magkaibigan sila ni Pia noong naka-base sila sa New York kung saan siya nag-aral ng filmmaking at kung saan naman nanirahan ang dalaga noong Miss Universe reign nito.

Kwento ng binata, minsan ay nag hang-out lang sila ni Pia at nasundan pa ito ng ilang beses.

Tinawag anya silang dalawa ni Pia na “the lucky ones” na patungkol sa pareho nilang pangarap na makarating sa New York, bagay na sabay nilang nagawa.

Negatibo ang tugon ni Thompson sa isyu kung may nadevelop siyang romantic feeling para kay Pia.

Ang model-racer na si Marlon Stockinger ang boyfriend ni Pia habang si Kit ay mayroong non-showbiz girlfriend.

Read more...