M3.8 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-12:58 madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 87 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Marihatag.

May lalim ang pagyanig na 19 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...