Fajardo sumiklab sa panalo ng San Miguel kontra Magnolia

Walang nakapigil kay June Mar Fajardo sa pagdomina ng Game 4 sa pagitan ng San Miguel at Magnolia sa 2019 PBA Philippine Cup Finals sa score na 114-98.

Sumiklab ang performance ni Fajardo, dahilan para maitabla ng Beermen ang serye sa 2-2.

Aminado si Magnolia coach Chito Victolero na kinontrol ni Fajardo ang laro sa ipinakita nitong high percentage point sa ilalim.

Nagtala si Fajardo ng 13 sa 14 mula sa field para sa kabuuang 31 points.

Pero hindi lang si Fajardo ang nagpanalo sa San Miguel. Sa kabuuaan ay gumawa ang team ng 52 percent sa field.

Samantalang ang Hotshots ay nagkaproblema sa scoring lalo na si Paul Lee na gumawa lang ng 7 points.

Muling magsasagupa ang dalawang koponan sa Biyernes para sa Game 5 ng kanilang best of seven series.

Read more...