Umabot sa 52.2 degrees Celsius ang heat index sa Virac, Catanduanes, alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules (May 8).
Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamataas na naitala sa buong bansa ngayong taon at nalampasan ang 51.7 degrees Celsius sa Dagupan City, Pangasinan noong April 9.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman na katawan ng tao at kadalasang mas mataas sa air temperature.
Ang mga lugar na nagtala pa ng pinakamataas na heat index kahapon ay:
– Guiuan, Eastern Samar, 50.4 degrees Celsius
– Calapan, Oriental Mindoro, 46.4 degrees Celsius
– Dipolog, Zamboanga del Norte, 44.9 degrees Celsius
Mapanganib sa kalusugan ang heat index na nasa 41 hanggang 54 degrees Celsius dahil sa posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion at maaari ring magresulta sa heat stroke.