Prince Harry at Meghan pinangalanang ‘Archie” ang kanilang baby boy

AP photo

Pinangalanan ng Royal couple na sina Prince Harry at Meghan ang kanilang anak na lalaki na “Archie.”

Sa Instagram ay inanunsyo ng Duke at Duchess of Sussex na ang pangalan ng kanilang baby boy ay Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

The Royal Family Twitter

Ipinakita na nina Prince Harry at Meghan ang kanilang panganay kay Queen Elizabeth sa Windsor Castle.

Ang Royal baby na si Archie ay pang-walong great grandchild sa Royal Family.

Kasama sa okasyon ang Duke of Edinburgh at ang ina ni Meghan.

Una nang sinabi ni Prince Harry na humanga siya sa tapang na ipinakita ni Meghan sa pagsilang sa kanilang anak.

Read more...