World Title nakataya sa laban ni Nonito Donaire kay Cesar Juarez

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Tatangkain ni Filipino star Nonito Donaire na mabawi ang world title sa pahaharap nila ni Cesar Juarez ng Mexico para sa World Boxing Organization super-bantamweight crown sa San Juan, Puerto Rico.

Si Donaire ay dating world champion sa limang weight division pero natanggal sa kaniya ang titulo matapos matalo ni Nicholas Walters ng Jamaica.

Ayon kay Donaire, kailangan niyang ipanalo ang laban kay Juarez sa Sabado, oras sa Pilipinas. Mas bumilis umano siya ngayon at mas lumakas.

Si Donaire ay mayroong 35-3 na record na mayroong 23 knockouts habang su Juarez, ay mayroong record na 17-3 na may 13 knockouts.

Ito naman ang kauna-unahang world title fight ni Juarez at ikalawang laban pa lamang niya sa labas ng Mexico.

Read more...