10 sugatan sa pag-araro ng trak sa mga sasakyan sa Osmeña Highway

Kuna ni Gio San Jose Lacsa

Sugatan ang sampung katao matapos araruhin ng isang trailer truck ang ilang sasakyan sa Osmeña Highway Miyerkules ng hapon.

Dinala sa Ospital ng Makati ang mga sugatan.

Kabilang sa inararo ng trak ang 5 motorsiklo, 2 bike at pampasaherong jeepney.

Ayon kay Michael Barniquez ng Makati Public Safety Department, bumibyahe ang trailer truck sa Osmeña Highway galing Magallanes nang pilitin ng driver na dumiretso sa stoplight sa kanto ng Arnaiz.

Sumalpok ang truck sa pampasaherong jeepney saka yumuko ang tractor head at bumangga rin sa patawid na bisekleta at motorsiklo.

Nasa kustodiya na ng Makati Traffic ang driver ng truck na nasugatan din.

Kuna ni Gio San Jose Lacsa
Kuna ni Gio San Jose Lacsa

Read more...