Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Hilbay na isa itong desperadong aksyon para labanan ang oposisyon sa nalalapit na eleksyon.
Kumpiyansa aniya siya na wala ring kinalaman ang mga kaalyado sa Otso Diretso.
Kung hindi aniya makapagpapakita si Presidential spokesman Salvador Panelo nang matibay na ebidensya sa bagong inilabas na matrix, sinabi ni Hilbay na isa na naman itong tsismis.
Dagdag pa ni Hilbay, maraming beses nang ginawan ng fake news ang kanilang grupo para malihis ang usapin ukol sa kahirapan at mga kandidatong nagsisinungaling.
Matatandaang sinabi ni Panelo na balidong intelligence information ang natanggap ni Pangulong Duterte ukol sa ouster plot matrix.