Trillanes, itinangging sangkot sa ouster plot vs Duterte

Pinabulaanan ni Senador Antonio Trillanes IV ang bagong inilabas ng Palasyo ng Malakanyang na ouster plot matrix laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Trillanes na si Duterte mismo ang pumapatay sa libu-libong Filipino at mayroong bilyun-bilyong pisong tagong yaman.

Ang punong ehekutibo rin aniya ang gumigiba sa democratic institutions at nagmumura sa Panginoon.

Nag-iimbento pa aniya ng mga akusasyon laban sa kaniyang mga kritiko.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, batay sa natanggap na information intelligence ni Pangulong Duterte, sangkot sa matrix ang Liberal Party, Magdalo at ilang media outfit.

Balido aniya ang intelligence information na plano nitong pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Read more...