2 patay, 3 sugatan sa bakbakan sa Negros Occidental

Patay ang dalawa habang sugatan ang tatlong iba pa sa sumiklab na engkwentro sa Kabankalan City, Negros Occidental Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Brig. Gen. Benedict Arevalo, commander ng 303rd Infantry Brigade, umatake ang nasa 30 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang resettlement area sa Sitio Ilan sa Barangay Locotan bandang 1:30 ng madaling-araw.

Kabilang aniya sa mga nasawi ang mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army (RPA) na sina Jhoenel Marabebe at Bogie Vergara.

Ang RPA ay isang grupo mula sa NPA na pumasok na sa usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Sugatan naman sa 10 minutong bakbakan sina Jonathan Pagados, Ramil Banista at isang Ruel.

Napaulat din na nakakuha ang NPA ng ilang armas sa naturang resettlement area.

Read more...