Walang apektadong Pinoy sa lindol sa Papua New Guinea – DFA

Walang Filipinong nasawi o nasugatan sa tumamang 7.2 magnitude na lindol sa Papua New Guinea, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Yumanig ang malakas na lindol bandang 7:00, Martes ng umaga.

Ayon sa DFA, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Port Moresby sa Filipino community para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Partikular na apektado ng lindol ang bahagi ng Lae at Kokopo.

Sa tala ng kagawaran, nasa 36,000 ang bilang ng mga namamalaging Filipino sa nasabing bansa.

Read more...