Mga coddlers ni Bikoy kakasuhan rin ng DOJ

Inquirer photo

Binalaan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang mga nagtatago at nagbibigay ng proteksyon kay Peter Joemel Advincula “alyas Bikoy”.

Ayon kay Guevarra, mahaharap sa criminal liability ang mga protector at coddlers ni Advincula lalo’t umamin mismo si alyas Bikoy sa partisipasyon niya sa illegal drug trafficking

Bukod pa aniya ito sa mga pending warrants of arrest ni Advincula sa iba’t ibang kasong kinakaharap nito.

Sinabi ni Guevarra na may mga ginagawa nang imbestigasyon at pag-aaral ang National Bureau of Investigation sa kaso ni Advincula.

Pinag-aaralan na rin aniya ng DOJ kung ipaiimbestiga nila sa NBI ang ibinunyag ng Malacañang na panibagong “ouster matrix” laban sa administrasyong Duterte.

Read more...