Duterte ikakampanya ng personal ang mga kaalyado sa Bohol

ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL PHOTO

Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang special guest ng miting de avance o final campaign rally ni Bohol gubernatorial candidate Leoncio Evasco Jr. ngayong hapon.

Inaasahan ang pagdating ng pangulo sa bayan ng Garcia Hernandez bandang alas kwatro ng hapon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadalo si Duterte sa campaign rally na inorganisa ni Evasco bilang miyembro ng Hugpong ng Pagbabago.

Si Evasco ay nanungkulang bilang alkalde ng Maribojoc nang tatlong termino bago naging campaign manager ni Duterte.

Kalaunan, itinalaga si Evasco bilang Cabinet secretary ng kasalukuyang administrasyon.

Read more...