Bagong ouster plot matrix inilabas ng Malacañang

Inihayag ng Malacañang na sangkot ang Liberal Party, Magdalo at ilang media outfit sa ouster plot matrix laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, natanggap ng pangulo ang balidong intelligence information.

Lumabas aniya sa intelligence information ang tangkang ouster plot laban sa administrasyon at para isulong ang kandidatura ng oposisyon partikular ng mga senatorial candidate.

Sinabi pa ni Panelo na ilan sa mga personalidad ay aktibong ikinakalat ang mga anti-Duterte statement sa social media.

Matatandaang inilahad ng Palasyo ang media outfits na kasama umano sa matrix noong April 22.

Kasama sa inilabas ng bagong matrix ng Malacañang sina Sen. Antonio Trillanes IV, Inday Varona ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), Florin Hilbay, Liberal Party at Magdalo.

Read more...