Inaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang sa kauna-unahang pagkakataon ang registration ng one-person corporation (OPC) sa bansa.
Ito ay makaraang pagtibayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11231 o Revised Corporation Code of the Philippines noong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng SEC na inaprubahan nila ang certificate of incorporation ng Smart Transportation and Solution OPC.
Ang kanilang certificate of incorporation ay naging opisyal noong nakalipas na May 7 bilang unang korporasyon sa bansa na mayroong iisang stockholder.
In a statement on Wednesday, the SEC said Smart Transportation and Solutions OPC received its certificate of incorporation on May 7, becoming the country’s first corporation with a single stockholder.
“It was organized primarily to establish, operate and manage transportation services, including vehicle rental/ leasing, taxi or shuttle services, and transportation of goods or persons for any person”, ayon sa pahayag ng SEC.
Sa ilalim ng Revised Corporation Code, pwede nang magtayo ng isang korporasyon ang isang “natural person” sa ilalim ng OPC.
Ang isang dayuhan o foreigner ay pwede ring pumasok sa OPC pero ito ay dapat alinsunod sa mga umiiral na constitutional and statutory restrictions restrictions at limitado lamang ang investment areas na pagtitibayin ng SEC.
Nilinaw naman ng SEC na ang mga bangko pati na rin ang mga non-bank financial institutions, quasi-banks, preneed, trust and insurance companies, public at publicly listed companies, maging ang non-chartered government-owned and controlled corporations ay hindi pwedeng maging OPC.
“The successful incorporation of Smart Transportation and Solutions illustrates how the progressive provisions of the Revised Corporation Code could improve ease of doing business in the country and, thereby, encourage the formation of new businesses,” ayon pa kay SEC Chairperson Emilio Aquino.