Alyas Bikoy dapat kunan muna ng affidavit bago ang imbestigasyon ng Senado – Angara

Kuha ni Chona Yu

General Santos City – Humihirit si senador sonny angara sa mga awtoridad na kunan muna ng affidavit si Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.

Si Bikoy ang nasa video ng ang “Totoong Narcolist” na nag-aakusa sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon sa ilegal na droga bago isalang sa pagdinig sa senado.

Pahayag ito ni Angara sa gitna ng balak ni Senator Panfilo Lacson na isalang sa imbestigasyon si Bikoy.

Sa panayam kay Angara sa General Santos City, sinabi nito na kailangan muna ng affidavit ni bikoy para mapanindigan nito ang kanyang mga pahayag at hindi pang media lamang.

Umaapela si Angara sa publiko na huwag munang paniwalaan ang mga sinasabi ni Bikoy.

Sinabi nito na kinakailangan na makapaglabas si Bikoy ng matibay na ebidensya kaugnay sa kanyang mga alegasyon.

Ayon kay Angara, hangga’t walang ebidensya mas makabubuti na maging mapanuri muna ang publiko lalo’t panahon ngayon ng kampanya at uso ang siraan sa mga pulitiko.

Read more...