PPCRV Command center sa Maynila, handa na para sa halalan sa Lunes

Ipinasilip na sa media ng Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang gagamitin nitong Command Center sa halalan sa Lunes.

Matatagpuan ang PPCRV Command Center sa Pope Pius Center sa UN Avenue sa Maynila.

Binasbasan muna ito ng isang pari at nagkaroon ng ceremonial ribbon cutting na dinaluhan ng mga opisyal ng PPCRV at ilang opisyal ng Comelec.

Bubuksan ang Command Center sa Lunes ng umaga pero inaasahang ang aktwal na operasyon nito kapag nagsimula nang magdatingan ang mga resulta ng boto mula sa iba’t-ibang polling precincts sa buong bansa.

Nakahanda na ang daan-daang computers at mga big screen na gagamitin sa monitoring ng PPCRV bilang isang election watchdog para masiguro ang malinis, maayos at credible na resulta ng halalan.

Ayon sa PPCRV, mayroon silang 300,000 volunteers sa buong bansa na magsisilbi sa halalan.

300 dito ay pupwesto sa Command centers bilang mga encoder at magkakaroon ito ng tatlong shiftings kada-araw.

Kasabay nito hinikayat din ng PPCRV ang iba pa na maging kanilang volunteers sa Halalan.

Read more...