Petsa para sa susunod na tatlong ‘Star Wars’ films itinakda na ng Disney

Itinakda na ng Disney ang petsa para sa nakatakdang pagpapalabas ng tatlong bagong ‘Star Wars’ films.

Wala pang titulo para sa tatlong bagong pelikula na mapapanood simula sa December 2022 at susundan sa taong 2024 at 2026.

Samantala, inurong naman ng Disney ang release ng inaabangan ding ‘Avatar 2’. Ayon sa Disney sa December 2021 na lamang ito ipalalabas.

Ang ‘Avatar 2’ ay follow-up sa 2009 blockbuster na ‘Avatar’.

Ang ‘Avatar 3’ ay aabangan naman sa December 2023 na susundan ng dalawa pang Avatar films sa 2025 at 2027.

Read more...