Jej Vinson bigong makaabante sa top 8 ng The Voice US

Bigo ang Fil-Am na si Jej Vinson na makapasok sa top 8 ng The Voice US.

Sa katatapos lang na elimination round kasama si Vinson sa limang natanggal matapos na hindi makakuha ng sapat na boto.

Kasama ni Vinson sa bottom three na unang inanunsyo sina Celia Babini at Oliv Blu.

Nakaabante naman sa susunod na round sina;

Maelyn Jarmon (Team Legend)
Dexter Roberts (Team Blake)
Gyth Rigdon (Team Blake)
Rod Stokes (Team Kelly)
Shawn Sounds (Team Legend)
Carter Lloyd Horne (Team Blake)
Andrew Sevener (Team Blake)

Si Kim Cherry (Team Blake) na napabilang sa middle three ay nailigtas sa pamamagitan ng “Tweet to Save”.

Marami namang netizens ang nadismaya sa pagkakatanggal ni Vinson sa kompetisyon.

Pero sa kaniyang Instagram ay nagpasalamat si Vinson sa lahat ng sumuporta sa kaniya kabilang si Kelly Clarkson, kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Ayon kay Vinson marami siyang natutunan sa kabuuan ng kompetisyon.

Read more...