HDO laban kay ex-Police Col. Dumlao kinumpirma ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nagpalabas na ang Angeles RTC Branch 56 sa Pampanga ng hold departure order laban kay dating Police Col. Rafael Dumlao.

Si Dumlao ay kabilang sa mga dawit sa pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick Joo.

Kaugnay nito, inalerto na ng DOJ ang Bureau of Immigration para matiyak na hindi makakalabas ng bansa si Dumlao.

Una nang naghain ang DOJ prosecutors ng urgent ex-parte motion for the issuance of hold departure order laban kay Dumlao

Ang hakbang ng DOJ prosecutors ay kasunod ng pagpayag ng korte na makapagpiyansa si Dumlao

Read more...