Nancy Binay nangampanya sa Isabela

Kuha ni Clarize Austria

Limang araw bago mag-eleksyon ay dinala ni senatorial candidate Nancy Binay ang kanyang kampanya sa Isabela.

Dumating si Binay kaninang mga alas-otso ng umaga sa Cauayan City Airport kung saan sinalubong siya ni incumbent governor at vice gubernatorial candidate Faustino Bojie Dy.

Nagmomotorcade si Binay kasama si Dy at iba pang lokal na kandidato sa Cauayan City Public Market.

Naging mainit naman ang pagtanggap ng mga nasa palengke kay Binay at naglabasan nga ang mga ito sa kanilang pwesto.

Nagpasalamat din si Binay sa mga tao at umapela ng boto sa mga mamamayan sa darating na eleksyon.

Inaasahan na mag-iikot pa si Binay sa ilang bahagi ng Isabela bago tuluyang bumalik ng Maynila.

Si Binay ang panglimang senatorial candidate na dumating sa Isabela simula noong nakaraang linggo.

Read more...