Ito ang tugon ng grupong Bayan Muna makaraang ilabas ang naging desisyon ng Korte Suprema na ipinabasura ang kontrobersyal na kasunduan.
Paliwanag ng Bayan Muna, ang decision ng Supreme Court ay tumutugma rin sa naging joint committee report ng House of Representatives na lumalabas na pinaglaruan ng ERC at Meralco ang Competitive Selection Process (CSP).
Matatandaang naghain ang Bayan Muna ng Resolution 566 sa kongreso na naglalayon na imbestigahan ang ERC at Meralco sa midnight sweetheart deals at lumabas sa house probe na binaluktot ng ERC ang kanilang panuntunan upang mapagbigyan ang Meralco.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga kinatawan ng Bayan Muna ang naging desisyon ng Korte Suprema kung saan pinababasura nito ang anumang kasunduan na hindi dumaan sa CSP.
Ayon kay bayan muna Chairman Neri Colmenares Sa desisyon na inilabas ni Senior Associate Justice Antonio T. Carpio, nakasaad dito ang ginawang pagmamalabis ng ERC sa pagpapahitulot sa Meralco at iba pang mga power utility distribution na hindi dumaan sa CSP na dapat na siyang pamantayan ng ahensya para magkaroon ng bidding at titiyak upang ang pinakamababang presyo ang magiging singil sa kuryente para sa mga consumers.
Matatandaan rin na kinuwestyon sa Supreme Court ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. (ABP) ang ginawang pagpapahaba ng deadline ng ERC sa compliance ng CSP ng dalawang beses mula Hunyo 30,2015 hanggang Nobyembre 2015 at Abril 2016 na naging dahilan upang makapagsumite ng pitong Power Supply Agreements (PSA) ang Meralco sa sarili rin nilang kumpanya na hindi dumaan sa biddings.
Napagalaman na tinatayang nasa mahigit na 90 PSA application ang tinanggap ng ERC na lumabag sa CSP’s bidding.