Mayamang kultura ng bansa tampok sa national costume ng Bb. Pilipinas 2019

Inilabas na ng Bb. Pilipinas Organization ang mga larawan ng mga kandidata suot ang kani-kanilang national costume.

Tampok sa national costume ang mayamang kultura ng mga kinakatawan nilang mga lugar.

Lutang na lutang sa kasuotan ng mga kandidata ang talento at husay at pagiging malikhain ng Filipino designers.

Ang suot ni Jessica Marasigan na candidate number 1 ay suot ang kulay ginto na costume na may mga pattern na sumisimbolo sa fish scales dahil siya ay mula sa Malabon.

Si Patch Magtanong naman ay nagmistulang warrior princess sa kaniyang costume na simbolo ng pinagmulang lalawigan na Bataan.

Ang kandidata mula sa Mandaue na si Ilene De Vera, ay tampok naman ang mayamang industriya ng gitara sa Cebu sa kaniyang costume.

Habang si Samantha Poblete ng Cavite ay nagmistulang Katipunero bitbit ang watawat ng Pilipinas.

Ang mga lawaran ng mga kandidata na kuha ni Raymond Saldaña ay tampok sa National Costume Photo Exhibit sa Gateway Mall.

Habang ang national costume show ay magaganap sa May 29 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Read more...