Ayon sa Douglas Country Sheriff Office, rumesponde sila sa STEM School Highlands Ranch matapos ang ulat na nagkaroon ng insidente ng pamamaril.
Nagpatupad ng lockdown sa paaralan at sa iba pang eskwelahan na pag-aari ng Highlands Ranch.
Inisa-isa din ng mga otoridad ang mga silid-aralan at doon nadakip ang dalawang suspek.
Ang STEM School Highlands Ranch ay mayroong 1,850 na estudyante na pawang elementarya, middle school at high school.
READ NEXT
2 kapitan ng barangay arestado sa vote buying sa North Cotabato; pera at bigas ipinangbibili ng boto
MOST READ
LATEST STORIES