Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ng kalihim na dahil sa pagbuo ng mga kalsada, tulay, flood-control at iba pang proyekto ay nakalikha ang Build, Build, Build (BBB) ng kabuuang 4,199,228 trabaho.
Nagpasalamat si Villar sa mas tumaas na budget ng DPWH sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito anya ang dahilan kung bakit nagawa ng kagawaran na makapagbigay ng milyun-milyong trabaho para sa mga Filipino.
“Thanks to the huge increase in DPWH budget since President Rodrigo Roa Duterte took over, we were able to provide jobs to millions of Filipinos across the country,” ani Villar.
Ayon kay Villar, kumikita ang mga manggagawa sa BBB ng nasa P550 kada araw.
Umaasa si Villar na nasa isang milyon pang manggagawa ang makikinabang sa infrasturacture projects ngayong taon sa ilalim ng P 3.757 trillion national budget.