“The deadline is May 15. Period. I don’t give two fucks what DOF says…The President expects the garbage to be seaborne by May 15. That expectation will be met or else…,” ani Locsin sa kanyang tweets araw ng Martes.
Ang pahayag ni Locsin ay matapos sabihin ng Department of Finance na handa ang Pilipinas na ibalik ang mga basura sa Canada gayunman ay kailangan ng naturang bansa ng mas mahabang panahon para iproseso ang pagkuha nito.
Dahil dito ay posibleng hindi maabot ng Canada ang May 15 deadline na itinakda ng pangulo.
Magugunitang nagbanta si Pangulong Duterte ng giyera laban sa Canada kapag hindi nito kinuha ang kanilang basura.
Sa pulong balitaan araw ng Martes, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na sakaling hindi matupad ng Canada ang May 15 na deadline ng pangulo ay ipapatapon sa mga karagatan ng Canada ang mga basura.
“The President gave May 15 as the deadline. If they cannot get that then we will be shipping them out and throw them to the shores or beach of Canada,” ani Panelo.