Nagpaalam sa De la Salle community ang Lady Spiker na si Desiree Cheng na masaya at kuntento.
Hindi man sa maganda natapos ang UAAP career ni Cheng, fulfilled naman ang skipper sa kanyang naiambag sa unibersidad.
Sa kanyang Instagram ay nagpasalamat si Cheng sa mga tumulong sa kanya sa UAAP lalo na sa kanyang coach na si Ramil de Jesus.
Isa anyang karangalan na magkaroon ng pagkakataon na makapag-tapos ng pag-aaral at maglaro ng volleyball sa kanyang dream school.
Natapos ng 22 anyos na si Cheng ang kanyang collegiate career na may dalawang championships, isang Finals MVP at isang Best Server recognition.
Ang kampanya ng La Salle sa UAAP Season 81 women’s volleyball ay tinapos ng University of Santo Tomas sa Final Four.
Desiree Cheng and the other Lady Spikers get some love from the La Salle faithful. #UAAPSeason81 pic.twitter.com/REr5SUdBcB
— Bong Lozada (@BLozadaINQ) May 5, 2019